25/Apr/2025
The list of Panel Clinics in Viet Nam has been published.
2025.4.25
ベトナムの指定健診医療機関を公開しました。
28/Feb/2025
The list of Panel Clinics in the Philippines and Nepal has been published.
2025.2.28
フィリピンとネパールの指定健診医療機関を公開しました。
Ano ang JPETS?
Ang Japan Pre-Entry Tuberculosis Screening (JPETS) ay test ng TB para mapatunayan sa pamamagitan ng Sertipiko ng TB Clearance na ang dayuhang mula sa target na bansa na nagbabalak pumasok sa Japan para sa medium hanggang long-term na pananatili ay walang aktibong tuberkulosis sa pamamagitan ng pagsailalim sa eksaminasyon ng X-ray ng dibdib, atbp. sa Panel Clinic bago maglakbay sa Japan
Mga aplikanteng tinutukoy sa JPETS
Ang TB screening ay isasagawa sa mga nasyonal ng Pilipinas, Viet Nam, Indonesia, Nepal, Myanmar, at China (*1) na nagbabalak pumasok sa Japan bilang “mid- to long-term resident” (*2) (hindi kasama ang mga may re-entry permit) o sa ilalim ng mga probisyon ng Notipikasyon Blg. 53 (Digital Nomad) o Blg. 54 (Asawa o Anak ng Digital Nomad) sa Designated Activities.
(*1) Tungkol sa Indonesia, Myanmar, at China, isinasaayos ang mga proseso at hindi pa tiyak ang petsa ng pagsisimula.
(*2) Ang “mid- to long-term resident” ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakasaad sa Artikulo 19-3 ng Batas sa Pangangasiwa ng Imigrasyon at Pagkilala ng Refugee (mga dayuhang nakatira sa Japan na may status of residence, liban sa mga napapailalim sa isa sa mga sumusunod na kategorya: (1) taong pinagkalooban ng period of stay na hindi lumalampas sa tatlong buwan; (2) taong pinagkalooban ng status of residence na “Temporary Visitor”; (3) taong pinagkalooban ng status of residence na “Diplomat” o “Official”; at (4) taong nakatakda sa Ordinansa ng Ministry of Justice bilang katumbas ng taong nabanggit sa (1) hanggang (3)).
[Karagdagang impormasyon]
Kung ang residence permit o iba pang dokumentong inisyu ng pamahalaan ng lugar ng paninirahan ng aplikante ay nagkukumpirma na ang kasulukuyang lugar ng paninirahan ay nasa labas ng mga target na bansa o rehiyon, exempted ang aplikante sa TB screening.
Ang mga aplikanteng nagbabalak na pumasok o manatili sa Japan sa ilalim ng sistema kung saan kailangan ang medikal na eksaminasyon, kasama ang X-ray ng dibdib para sa TB testing, bago ng pagpasok sa Japan (tingnan ang tala), ay pansamantalang exempted sa screening na ito.
(*)Mga kalahok sa JET Programme, trainee ng JICA (kahit long-term o short-term), mga international student ng JICA’s Project for Human Resource Development Scholarship (JDS), mga estudyante ng Japanese Government Scholarship na may rekomendasyon ng embahada, dayuhang estudyante na papasok sa Japan sa ilalim ng kinomisyong edukasyon at mga training program, mga nurse at care worker na tinanggap sa ilalim ng Economic Partnership Agreements (EPAs) sa mga kinauukulang bansa, mga specified skilled worker, Tukoy na Aktibidad (paghahanda para sa itinalagang negosyo ng transportasyon ng sasakyan), at mga dayuhang nasyonal na papasok sa Japan sa ilalim ng Project to Accept Foreigners Conducting Housekeeping Services in National Strategic Special Zones (alinsunod sa Artikulo 16-4 ng Act on National Strategic Special Zones)
Ang proseso ng screening
- Sasailalim ang mga aplikante sa medikal na eksaminasyon at X-ray ng dibdib (o test ng plema sa pagpapasya ng doktor kung may inaalala) sa Panel Clinic na nasa target na bansa para sa screening (tingnan sa ibaba).
- Ang Sertipiko ng TB Clearance ay iiisyu ng Panel Clinic kapag walang aktibong tuberkulosis ang aplikante.
- Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng Sertipiko ng TB Clearance kapag mag-aapply para sa Certificate of Eligibility (o kapag mag-aapply para sa visa sa diplomatikong misyon ng Japan sa ibang bansa kung mag-aapply para sa visa nang hindi kumukuha ng Certificate of Eligibility).
[Karagdagang impormasyon]
Ang mga aplikante ay kailangang magpakita ng valid passport para maberipika ang kanilang identipikasyon.
Ang bayad para sa TB screening ay sasagutin ng aplikante.
Ang tinatayang bilang ng araw para sa pag-isyu ng Sertipiko ng TB Clearance at ang bayad para rito ay maaaring magkaiba depende sa medikal na pasilidad.
Sa patakaran, ang bisa ng Sertipiko ng TB Clearance ay hanggang 180 araw mula sa petsa ng X-ray ng dibdib. (Maaaring mapaikli sa 90 araw ang panahon ng bisa depende sa mga kondisyon. Mangyaring kontakin ang Panel Clinic para sa mga detalye.)
Ang mga aplikante ay dapat magtabi ng kanilang personal na kopya ng Sertipiko ng TB Clearance, dahil maaaring kailanganin na ipakita iyon kahit pagkatapos pumasok sa Japan.
[Daloy ng screening]
(*1) Mga mananatili nang higit sa tatlong (3) buwan para mag-aral, magtrabaho, atbp.
(*2) Itinalaga ng Pamahalaan ng Japan
Ang mga nakatalagang Panel Clinic ay:
- nagsasagawa ng medical interview, eksaminasyon ng katawan, X-ray ng dibdib, at mga eksaminasyon ng plema (Kung pinaghihinalaan na mayroong aktibong TB).
- nag-a-upload ng mga resulta ng eksaminasyon sa JPETS Information Management System (Online system para sa Japan Pre-Entry TB Screening).
- nag-iisyu ng Sertipiko ng Tuberculosis Clearance kung walang indikasyon ng aktibong TB.
Mga Bansa at Nakatalagang Panel Clinic
FAQ
Notipikasyon sa mga mid- to long-term resident sa Japan
Ang mga mid- to long-term resident sa Japan na nagmula sa o nanatili sa bansang nasa
listahan ng high-burden countries for TB ng World Health Organization, o na natukoy bilang may risk na magkaroon ng aktibong TB sa kanilang pre-entry TB screening ay dapat sumailalim sa medikal na eksaminasyon sa medikal na pasilidad kung mayroon silang anumang sintomas ng TB (dalawang linggo o higit pang pag-ubo, paglabas ng plema, banayad na lagnat, o panghihina ng katawan). Ang mga maaaring sumailalim sa medikal na eksaminasyon sa kanilang paaralan, pinagtatrabahuhan, o lokal na pamahalaan, ay dapat magsikap na sumailalim sa regular na medikal na eksaminasyon.
Kung magkaroon ng aktibong TB sa Japan, siguraduhing sumailalim sa paggamot na kailangan ninyo. Ang public health center sa lugar ng inyong tirahan ay nagsasagawa ng mga proseso kaugnay sa pag-uukol ng pampublikong pondo para sagutin ang bahagi ng medikal na gastusin para sa paggamot ng TB at tumutulong sa pag-inom ng gamot.
Tingnan ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TB at pre-entry TB screening.
Mga Patnubay
Patnubay para sa Japan Pre-Entry Tuberculosis Screening (March 31, 2025) (Bersyon sa Wikang Hapon)
Patnubay para sa Japan Pre-Entry Tuberculosis Screening (March 31, 2025) (Bersyon sa Wikang Ingles)
Japan Pre-Entry Tuberculosis Screening - MGA TEKNIKAL NA TAGUBILIN_ December 2024 (Bersyon sa Wikang Hapon)
Japan Pre-Entry Tuberculosis Screening - MGA TEKNIKAL NA TAGUBILIN_ December 2024 (Bersyon sa Wikang Ingles)
Related links